Tuesday, November 20, 2012

Pyramiding Scam: Aman Futures Group Inc.

Maraming tao mula sa Visayas lalong lalo na sa Mindanao ang naloko ng pyramiding scam or ponzi scheme. Umabot sa 15, 000 katao ang nag-invest sa Aman Futures Group Inc at umabot sa P12 BILYON ang na-kubra ni Manuel Amalilio na isang Malaysian.



Nag-umpisang manghikayat ang grupo ni Amalilio sa palengke. Hinikayat ang mga tindero't tindera, may-ari ng mga tindahan hanggang sa lumaki ang grupo at pati ibang mga goverment officials ay nahikayat ring mag-invest. Hindi ko lang lubos maisip kung bakit pati ibang goverment officials sa Pagadian City ay nahikayat din? "Ano bang meron si Manuel Amalilio?" Or baka naman ang tamang tanong eh "Anong meron sa Pagadian City at umabot sa P12 Bilyon ang nakuha sakanila?"  At duon talaga ang napili nitong si Amalilio ha.

NBI conducted an investigation regarding the Aman Futures Group Inc. And during the investigation they uncovered another get-rich-quick scheme still in Pagadian City. The Visioner 20/20 like AFGI, promised a 20% to 30% interest rate to investors. 

So paano ba nating maiiwasan maging biktima ng SCAM? Narito ang 3 tips na inyong magagamit.

Huwag Basta Bastang Maniniwala.

  • Kapag may nagsabi sayong madali lang kumita ng malaking pera "Huwag Bastang Maniniwala" lalo na kapag kailangan mong Maglabas ng Pera o mag-invest. Kahit sa lotto kailangan mong mag-hirap para manalo. At mas masarap lasapin ang tagumpay kapag pinaghirapan mo mismo.


Mag-isip isip ng Isa, Dalawa, Tatlo.

  • Pag-isipang mabuti kung makatotohanan ba ang sinasabi ng isang tao ukol sa ino-offer niyang opportunity. Tulad ng 20% to 60% interest rate sa mga investors ng AFGI. Pag-isipang mabuti, huwag padalos dalos. 


Lamang Ang May Alam.

  • Alamin ang background ng isang company na nais salihan. Saan located ang office, sino ang/mga may-ari nito? Ano ang ibinebenta o ino-offer nilang service? Sulit ba ang kapalit ng pera mo? Etc etc. Maging mapanuri. Huwag excited sumali lalo na kapag naka-kita ng malaking kitaan. 


Mag-ingat, mag-ingat, mag-ingat...

Lahat tayo ay nais lamang maging masagana ang pamumuhay ng ating pamilya kaya ginagawa natin ang lahat. Ngunit kailangan nating maging matalino. Huwag basta bastang maniwala, pag-isipan ng madaming beses ang mga gagawing hakbangin at maging mapanuri. 

PS: Kung hindi scam ang hanap mo, i-click mo 'to ===> CLICK HERE
Maraming Salamat sa pag-basa ng post na 'to. God Bless!

No comments:

Post a Comment