Saturday, September 1, 2012

Blogging : Tips For Begginers



If you have read my previous article (Blogging : Will I Profit From It?), you now have an idea that blogging is  just another way of opening up a new stream of income. If you don't have yet a blog and planning to create one for you business, I'll share to you some tips on how to begin.



On the previous article, I already mentioned 4 simple, yet have a great impact on your audience, tips that you could use. Now I'll add 6 more for you to have a better idea on how to create your own blog.


~ Why Do You Want To Become A Blogger?
               What are your reasons why you wanted to become a blogger? Dahil ba sa business mo, para maka-attract ng mas maraming clients? O gusto mong i-established ang sarili mo as an expert. O gusto mo lang mag-share ng ideas and info. Ano man yang goal mo, dapat malinaw at alam mo ang dahilan kung bakit ka gagawa ng blog.

~ Who Are Your Clients?
               Mahalagang alamin kung sinu-sino ang mga clients mo. Dahil dito ka mag-babase kung anong topic ang pipiliin mo para sa mga articles na ipo-post mo. Mahalaga ring malaman kung anu ang kanilang hilig at kailangan. Sinu-sino sila? Maaaring sila'y mga kabataan, mga propesyonal, mag-asawa, single parent etc. 

~ Just Be Yourself.
               Hindi mo kailangan mag-pa-impress sa ibang tao. Hindi mo kailangang i-please ang lahat ng tao. Dahil imposible yan. Pakita mo kung anong meron ka. It is like branding yourself. 'Wag mong alalahanin ang mga taong ayaw sa blog mo, dahil meron din namang mga tao na magugustuhan ang gawa mo. At babalik balikan ka nila dahil sa pagiging totoo mo.

~ Invest Time, Talent and Treasure.
               You need to invest your time, talent and treasure in putting up a blog. Hindi pwede yung "pwede na yan!" tsaka yung "ok na yan!" Dahil kung ganun lang din gagawin mong blog, eh wag ka na lang din gumawa. Dahil sino ba namang gustong mamasyal sa isang pasyalang wala namang magandang makikita? Syempre hindi mo naman bibiglain na bonggang bongga agad blog mo. Dahan dahan lang ang pag-improve hanggang sa magamay mo na ang pag-ba-blog. 

~ Don't Be Afraid To Ask.
               Kung may gusto kang gawin o ilagay sa blog mo at mejo may pagka-techie na at di mo na maintindihan o nalilito ka. Magtanong sa kapwa blogger. Huwag kang matakot magtanong dahil lahat naman ay nagsimula sa umpisa. At alam nila kung anong mas magandang gawin dahil nadaanan na nila ang dinadaanan mo. At likas na sa mga bloggers ang pagiging matulungin.

~ Practice Blogging.
               Ngayon ang tumatakbo siguro sa isipan mo eh, "PAANO?" Simple lang yan, dapat magkaruon ka ng routine kung kelan ka mag-po-post ng new article mo. Pwedeng araw-araw, o kaya twice or thrice a week. Depende sa'yo. Para alam ng readers mo na nandyan ka lang at hindi mo sila iniwan. At para na rin mahasa kang mag-sulat ng article. 

Ngayon ay maaari ka ng magsimula ng sarili mong blog! Maraming salamat sa pagbasa ng article na 'to. I hope nakatulong ako sa'yo. Kung may karagdagan kayong tips kung paano mag-start ng blog, mag-comment lang po kayo and it'll be a great help for all of us.

PS : As I've mentioned earlier, blogging is just another way of oppening up a new stream of passive income. Bakit hindi mo na lang i-maximize 'to para kumita? Click HERE to learn more about it.



No comments:

Post a Comment