Wednesday, August 29, 2012

Blogging : Will I Profit From It?




Ang Blog ay isang paraan kung saan pwede kang magtalakay ng isang paksa o magbigay ng impormasyong makakatulong sa iyong mga tagasunod (o yung mga taong nagbabasa ng blog mo). Maari mo ring maibahagi dito ang iyong ideya o opinyon. At kung ikaw naman ay may sariling business, ito'y isa sa mga epektibong pamamaraan na iyong magagamit.

Kung matututunan mong gumawa at gamitin ang blog sa tamang paraan, maari ka ng magsimulang kumita gamit 'to.





Hindi mo naman kailangang maging techie upang makagawa ng isang blog. Maraming site kung saan pwede kang gumawa nito. Halimbawa na lang ang www.wordpress.com at www.blogger.com.Marami ding videos na maaring magturo sayo kung papaano magsisimula sa pag-gawa ng sarili mong blog. Hindi mo rin kailangang isulat sa ingles ang ipo-post mo. Pwede rin naman kasing tag-lish. 



Ikaw ay kikita sa pamamagitan ng Blog.


Imaginin mo, kahit saan ka magpunta at kahit anong oras ay pwede mong i-update ito at ikaw ay kumikita gamit lamang ang blog mo. Dahil naima-market mo ang products mo at hindi mo rin kailangang gumastos ng malaki para sa advertisements dahil ikaw ang may ari ng blog site.






Maraming mga blogger ang humihinto matapos ang ilang araw na pagpapakapagod upang tumakbo ang blog site nila. Sa pag-gawa ng blog, kailangan mong maintindihan na hindi purke may blog site ka na, kikita ka na. Hindi ito scam! Syempre kailangan mong pagtrabahuhan. Diyan papasok ang dedication mo. 


Ano nga ba ang mga dapat isaalang alang kapag ikaw ay gagawa ng blog?


~ Pumili ng tema. 
               Ano bang gusto mong gawain o hilig sa ngayon? Pwedeng tungkol sa mga lugar na napupuntahan mo, pwede ring mga luto/pagkain na gusto mo o di naman kaya eh paborito mong mga movies, libro at pick up lines.

~ Dagdagan ang kaalaman.
               Magbasa ng magbasa ng mga libro, magazines o ibang blog na may kinalaman sa napiling tema. Kung mas marami kang mababasa tungkol sa isang topic na napili mo mas maganda dahil mas lalo mong mae-explain ng mabuti ito.

~ Gawing interesado ang blog. 
               Ito ay napaka-importante sapagkat, kailangan mong mahuli ang atensyon o kiliti ng mga mambabasa. Ang tip ko dito, bigyan mo ng Solusyon ang problema ng mga mambabasa. Paano ka makakatulong?

~ Kailangan mong humanap ng isang Mentor.
               Tulad ng Protege, X-Factor at Arista Academy, bawat isa o bawat grupo ay may mentor/coach na gumagabay sakanila. Ngayon kung sa tingin mo naman ay bihasa ka na at hindi mo kailangan ang isang mentor, sinasabi ko sa'yo mahihirapan ka. Dahil kahit ang ibang mentor ay may mentor/coach din. 


Gamitin mo ang mga simpleng tips na yan sa pagsisimula mo ng sarili mong blog. Upang makapagsimula ka na ring kumita gamit ang blog.


PS : Noong una wala naman akong hilig sa pagba-blog eh. Pero simula nang nakita ko ito (Click Here), dun na ako nagsimulang mag-blog. Bakit hinde? ......


No comments:

Post a Comment